Sunday, August 16, 2009

4. Sa diwa ng Dolorosa, “isang balaraw ang tatarak sa iyong puso…” na ang katatagan natin sa mga pagsubok at sakripisyo ay nakaugnay sa buhay pagtitiwala at pagsampalataya, sa patuloy na paghubog sa ating sarili sa ilalim ng Krus at sa pagmamahal ng Diyos sa atin tulad ng sa Panginoon at ng sa Kanyang ina.

5. Sa diwa ng awit ng matandang Simeon, “ Kunin mo na Panginoon ang iyong abang alipin…” ang kahandaan natin sa kamatayan. Bawat pagtulog ay larawan ng kamatayan; bawat paggising ay pagkabuhay; bawat maghapon ay pag-aalay ng buhay sa pagpapalaganap ng kaligtasan at ang patuloy natin pag-iral sa Puso ni Jesus at ng mahal na ina sa kalwalhatian. ; na ang isang nanunungkulan sa pamahalaang civil ay may pag-iimpok ng kayamanan sa langit, mga mabubuting gawang paglilingkod bilang paghahanda niya sa pagpasok sa langit.

NAGING KAGANAPAN! : PAGTATATAG NG

PAROKYA NG BIRHENG PRESENTACION

JUNE 10, TAONG 2003

Sa diwa ng patuloy na Misyon at Debosiyon sa Birheng Presentacion, sa diwa ng pagpapahalaga sa pasimulang kasaysayan ng Kristiyanismo sa ating lalawigan kaakibat ang pagkakatatag ng lalawigang Bulacan, at higit sa lahat sa diwa ng patuloy na Paghahandog ng ating buhay kay Jesus sa tulong ng Birheng Presentacion at Paghahandog sa atin ng Mahal na Birhen kay Jesus, nakapangyari ang Pagtatatag ng Parokya ng Birheng Presentacion sa Maunlad Homes, Mojon, Malolos City, Bulacan noong ika-10 ng Hunyo, taong 2003. Nakapangyari ito sa kalooban ng Diyos at sa kapahintulutan ng Santa Iglesia at sa pakikibahagi na rin Panglalawigang Pamahalaan Civil ng lalawigan at ng mga Kristiyanong Mamamayang Bulakenyo.

Sa pasimula, ito ay itinalaga muna bilang isang Quasi-Parish noong ika-22 ng Hunyo, 1999. Ito ay pinabanal, kinunsagra at itinalaga noong ika-2 ng Pebrero, 2003. At ganap na idineklarang Parokya noong ika-10 ng Hunyo, 2003. Nakapangyari ito noong panahong panunungkulan ng Butihing Obispo Roly Joven Tria Tirona, OCD.

23

No comments:

Post a Comment