Sunday, August 16, 2009

Ang Birheng Presentacion sa Buhay-Krsitiyano ng Isang Kawani ng Pamahalaan Civil atbilang isang Kristiyanong Mamamayang Pilipino. Ang Birheng Presentacion sa Patuloy na Pamamatnubay sa Lalawigang Bulacan.

Nakapangyari sa ating kasaysayan na ang nagpasimula, nagpasimuno sa pag-tatayo ng Poblacion o Pueblos at maging ang kaayusang ng Pamahalaang Civil ay ang mga paring misyonero. Na ang bawat kristiyanong mamayang Pilipino, lalo na ang mamumuno sa pamahalaang civil, maging ang mga kawani nito ay dapat may pagsasabubuhay bilang mga kristiyano sa katangian at inspirasiyon ng Birheng Presentacion. Ang mga katangian ito ay matutunghayan sa Ebangelyo ni San Lukas, kabanata 2, mula bersikulo 22 hanggang 48. Ang banal na panulat na ito ay tumutukoy sa Pagdadala sa Nino Jesus sa Templo na siyang tampok na Ebanghelyo sa Pagdiriwang ng kapistahan ng Birheng Presentacion. Na sa pagdiriwang sa kanyang karangalan ay maitalaga, maihandog, maialay ng bawat namumuno at kawani ng pamahalaang civil at maging ng mga kristiyanong mamayang Pilipino ang kanilang buhay sa Diyos at paglilingkod sa kapwa tao. Na maisabuhay nila ang mga aral o katangian ng naturang Ebanghelyo gaya ng mga sumusunod:

1 . Sa diwa ng Purificacion, mapasaating ang kalinisan ng kaluluwa, na nakapangyari na’t inihandog sa atin ng tayo’y Binyagan, na maging modelo natin ang Mahal na Birhen sa kalinisan ng kaluluwa. Maisabuhay nating lagi ang ating Binyag. Sa mga pagkakataon tayo’y nagkakasala, pagsisisi’t pagdulog sa pangungumpisal ang nararapat; na ang isang nanunungkulan sa pamahalaang civil ay dapat na may masikapang malinis na puso sa paglilingkod.

2. Sa diwa ng Candelaria, “ Tanggapin mo ang liwanag ni Kristo.” Siya ang Liwanag ng daigdig na pangko at kilik ng Birheng Presentacion – sa palagiang pagsisimba at pangungumunyon, tayo’y mistulang liwanag ng ating kapaligiran sa pagbibigay ng mabuting halimbawa na naka-ugat sa Ebanghelyo ng Panginoong Jesus; na ang isang nanunungkulan sa pamahalaang civil ay mistulang ilawan sa pagbibigay liwanag sa ka4nyang nasasakupan.

3. Sa diwa ng Presentacion, na tayo’y nakatalaga sa Diyos, sa

pagtatalaga ng ating maghapon sa Diyos sa buhay-panalangin, sa palagiang pagsisimba at pagdalaw natin sa Santisimo Sakramento sa Adoration Chapel; na ang ating pananagutan, paghahanapbuhay at paglilingkod ay naka-ugat sa paghahandog ng ating buhay sa Diyos at sa kapwa.

22

No comments:

Post a Comment