Birheng Presentacion kaugnay ng pasimula ng ating lalawigang Bulacan noong taon 1572. Sapagkat ayon sa tala ng kasaysayan,
“ .... noong 1572, dumaong sina Padre Diego Vivar Ordonez sa Brgy. Meyto, Kalumpit (Bonderi ng Bulakan at Pampanga).
Na sa maraming titulo ng mahal na Birhen na pinararanglan sa buong lalawigan, sa kasalukuyan, tanging titulo lamang niya bilang Presentacion ang umiiral.. Matatagpuan nga ito sa Bulacan Capitol Building at lalo’t higit sa Pamparokyang Simbahan niya sa Maunlad, Mojon, Lungsod ng Malolos, Bulacan.
Sa diwa ng pagpapahalaga sa ayon at nararapat, maibigay nawa natin ang pagkilala sa mahal na Birhen Presentacion. Harinawang makatulong ang pagpapakilala natin sa Mahal na Birheng Presentacion bilang Banal na Ina ng Bulacan, (Our Blessed Mother of Bulacan) na siyang magbubuklod pa sa ating lahat bilang mga Mamayang Kristiyanong Bulakenyo ng ating lalawigan.

Ang paghahanda sa Pagdiriwang ng 440 Taong Anibersaryo ng Bulacan ay kapapalooban ng tatlong taon paghahanda, sa diwa ng Trido ng 2009, 2010, 2011 upang salubungin nga ang Taong 2012!
26
No comments:
Post a Comment