Sunday, August 16, 2009

“NASUNOG ANG SIMBAHAN, KINUHA A NG PATRONA”

Nagkagayunman , itinuloy pa rin ang Pista noong Nobyembre 21, 1913 ng mga Katoliko sa labi ng nasunog na Kapilya at sa mga natirang Pundasiyon Bato nito sa pamamahala ng mga Kura ng Simbahang Sta. Ana ng Hagonoy at ng Kalumpit.

Sinasabi at usapan ng mga deboto at mga dayuhan, na ang pistang yaon yata ang pinaka-makabuluhang pistang naganap na saksihan nila sa tanang buhay nila.

Sa gitna ng pagdiriwang, nanggigilid ang luha ng lahat. Kuyom sa damdamin ang labis na pagkaawa at kalungkutan sa sinapit ng Kapilya at Patrona. Sa puso at damdamin ng mga mananampalatayang nakipista lalo na sa ilang katoliko na doon ay nakatira at nananahan. Maging sa mga binyagang katoliko na naging aglipayano ay iisa ang paulit-ulit na tinatanong sa sarili. Kailan kaya uli sila magpipista at makikipista kay Birheng Presetacio? Kailan kaya maitatanghal na muli sa kanyang dapat kalagyan ang imahen ng Birheng Presentacion? At bilang pampalubag-loob ay ganito na lamang ang kanilang sinasabi sa sarili:

“Habang may Pundasiyong nakabaon sa dating Kapilya, buhay ang pag-asa na ang Simbahan ng Birheng Presentacion ay may pagpapatuloy.”

Ang totoo, naglaho man ang Kapilya, harinawa ang layunin naman ng Birheng Presentacion ay ganap na nakabantayog o nakatimo na sa puso’t kalooban at sa buong kamalayan ng lalawigan!!! Inialay ni Birheng Presentacion ang mga Bulakenyo sa kanyang Anak na si Jesus at ang kanyang Anak mandin sa mga Bulakenyo. Ito ay dapat pang pakadalisayin, kaya’t patuloy ang paghahandog na ito sa tulong at sa pamamagitan ni Birheng Presentacion.

SI SAN JOSE, TAGAPAGTANGGOL NG BIRHENG PRESENTACION, TAGAPANGALAGA NG PUSDASIYON NG SIMBAHAN NATATAG NOONG 1572!

Sa kabilang ibayo ng Ilog ng Meyto at Panducot ay may namuong pamayanan na kung tawagin ay “Cupang”. Nagkakaroon lamang sila ng bisita-bisitahan kung dumarating ang mahal na araw (kuaresma) kaugnay ng basahan ng Pasyon ng Panginoon. Noong taong 1851, ipinagdiwang ng mga namamayan doon ang kanilang pinaka-unang Pista sa karangalan ng Mahal na Poong San Jose, ang Manggawa. Sa pagdiriwang na yaon, napagtining pang lalo ang umuusbong na pagkakaisa bilang isang pamayanan ng Cupang. Ang mga kura ng kabayanan ng Calumpit (San Juan Bautista) at ng Hagonoy (Santa Ana) ang nagdiwang ng Banal na Misa. Isa sa mga punong abala at nagtaguyod ng nasabing pista ay taga-Panducot, si G. Fortunato Baluyot ( lolo ni Papo Ineng ng Panducot). Nang sumunod na taon, 1852 pormal nang itinayo ng mga taga Cupang ang isang Kapilya na yari sa bato at yero sa karangalan ng mahal na Poong San Jose, ang Manggagawa.

13

No comments:

Post a Comment