Sunday, August 16, 2009

ANG SIMBAHAN NG BIRHENG PRESENTACION

Ang Kapilya ng Birheng Presentacion sa Panducot at naging katangi-tangi sa pag-iral sa loob ng 341 taon , mula 1572 hanggang 1913. Nakilala ito ng mga biyahero na mga taga Bulakan, Bulakan, Malolos, Paombong, Hagonoy, Pulilan, Calumpit, Plaridel at mga Kapampangan. Alam ng mga deboto ang kaugnayan nila sa Birheng Presentacion, malaki ang pangungutang-loob nila sa Patronang ito kaugnay ng pagpapasimula ng kanilang buhay Kristiyano at paglaganap ng Pananampalatayang Katoliko sa buong lalawigan. Ang salaysay ni Papo Ineng Baluyot ay ganito:

“ Bakit nga hindi magiging balitang-balita, e kasabihan ito noon pa man: sa pagbibiyahe sa daan-ilog dumadaan muna sila kay Birheng Presentacion ng Panducot. Doon ay nagdadasal at naghahandog upang sa lakad ay magtagumpay at maging maayos ang paglalakbay."

At kung ang isang viajero ay nagkaroon ng aberya, ang panudyo sa kanya ay ganito:

“Aberya ay naranasan, pagkat di huminto , di na-alay at di umusal ng

ng dasal kay Presentacion, di tuloy nagkaroon ng pandesal sa paghahanap. buhay at ng matagumpay na pagklalakbay,” ang patulang dugtong pa ni Papo Ineng Baluyot.

Ang pagdaraan ng mga biyahero sa nasabing Kapilya ay gaya mismo sa ginawi ng mga Misyonero na sa pagpapalaganap nila ng Mabuting Balita sa mga kailogan o baybaying ilog, sila ay dumadaon muna, huimihinto, nagdarasal at nagtatalaga ng kanilang sarili sa Diyos sa tulong ni Birheng Presentacion. Doon din nila idinadaos ang kanilang tanghalian, merienda o kaya’y hapunan.

Tunay na ang salitang Panducot ay may kahulugan. Ang “Pan” ay nangangahulugan ng tinapay. Ito ay nangangahulugan din nang para sa lahat. Ang “ducot” ay may kagyat na kaunawaan sa tagalog-- na makukuha. Subalit ang malalim na kahulugan nito ay mula sa salitang “ducere” sa latin, “ay patungo sa”. Kaya kung ating bubuuin ang diwa ng pagpapakahulugan sa salitang Panducot, ganito ang kalalabasan: “Tumungo sa Birheng Presentacion, Tinapay ay makukuha para sa lahat”

.

Ang pinakamaganda ay ito: ang Banal na Misa ay kanilang ipinagdiriwang sa pagdaraan doon upang tumimo sa puso at diwa ng mga sinaunang binyagan ng Panducot at Meyto na ang Misa ay ang pinagmumulan ng pagkaing hinihingi sa araw-araw sa dasal na “Ama Namin”. Na ang banal na Misa ang simula at kaganapan ng buhay- paglalakbay. Na si Jeskristo ay ang simula at kaganapan ng buhay na ito. At Siya ang Tinapay na nagbibigay buhay. Ang Kanyang Ina na si Birheng Presentacion ay ang mabisang tagapamagitan sa Kanya, sapagkat siya ang Ina ng Buhay.

9

ANG KAPISTAHAN AT PAMAMATNUBAY

NG BIRHENG PRESENTACION

Nakasanayan ng mga mamayan ng Panducot na pamahalaan ang nasabing Paroquiang walang Paring nananahan. Magkagayunman, kaugnay nang taunang pag-aani ng mga palay mula sa kanilang malawak na bukirin na pag-aari ng Simbahan na may sukat 33,265 metro cuadrado,damang dama pa rin nila ang pangangasiwa at pamamatnubay sa kanila ng Kura ng kabayanang Kalumpit. Ang mga ani nito ay inihahatid nila sa Poblacion at kung misan naman ay kinukuha sa kanila ng mga taga kumbento sa utos ng Kura.

Matapos ang pag-aani kagyat na isinusunod ang taunang pagdiriwang pasasalamat sa karangalan ng mahal na Birheng Presentacion sa ika-21 ng Nobyembre. Ang bida ni Papo Elena Santiago ay ganito:

“ Talaga po namang napakasaya tulad ng isang Paroquia. Sa pagpipista’y mistulang Poblacion sa pagdiriwang. Ang mga mananampalataya, mga viajero, mga namamanata at deboto ni Birheng Presentacion ay mula pa sa iba’t ibang bayan at lugar. Ang pakikipista nila’y nakaugat, na ang pasimula ng kanilang pananampalataya ay t sa Birheng Presentacion nagsimula.”

SA KATANGHALIANG TAPAT

Sa kaganapan ng mga bagong pangyayari, sa pagdami pa ng mga sentro, mga Poblacion at Paroquia na naitatag at patuloy pang naitatag. Minsan pang sumagi sa puso at isipan ng mga taga Meyto at Panducot, ang lunggati ng kanilang mga ninuno at magulang noon pa man na ang kanilang lugar ay maging isang ganap nang Paroquia at may paring nananahan. Na kung hindi man nabigyan ng tuwirang katuluyan ang naantalang Parokya ng mahal na Birheng Presentacion noong taong 1572-1575, ito ngayon ay bigyan na ng kaganapan.

Kaya noong taong 1859 bilang nagkakaisang pamayanan, pumunta ang kanilang pamunuan sa Arsobispado ng Maynila, dala ang nasabing kahilingan. Sa labis na kaasahan at abot-tanaw na ang kanilang kahilingan ay pagbibigyan, isinabay nila sa pagluwas ang pagpapagawa ng isang Kampana na may tatak na ganito: “Paroquia de Nuestra Senora dela Presentacion 1860.”

“ Sa pagpapagawa ng Kampanang yaon ay tinularan lamang nina lolo ang dati nang kampanang luma na may ganoon din tatak na may mas matandang petsa,” ang salaysay ni Papo Elena.

Sa di nila inaasahan nabigo sila sa kanilang pinakay. Hindi naganap ang kanilang kahilingan. Pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng pari. Sa kabiguang yaon, waring nagbalik sa kanilang alaala ang kalungkutan, panghihinayan at waring aping

10

No comments:

Post a Comment