Sa panulat ni G. Alfredo M. German sa kanyang aklat na may pamagat na Bukawe: Noon, Ngayon at Bukas na nalimbag noong taong 1992 (Jeanmar Printing Press-Malolos, Bulacan) sa mga pahina 47-48,.ganito ang kanyang isinulat:
“Ang bayan ng Meykawayan ay itinatag ng pareng Pransiskano noong mga
taong 1578-1579 at ayon din sa mga tala ng kasaysayang nasaliksik ay pitong taon
lamang ang kaunahan ng Maynila sa pagkakatatag nito. Ito ay ayon sa ulat na
itinala ni Reb. P Luis L Lopez D.D. Subalit mas una pa rin dito na naitatag ang
Kristiyanismo sa bayan ng Kalumpit na itinatag ng mga paring Agustino noong taong
1572 at ito’y nasa ilalim ng Arsobispado ng Maynila. Marahil ay masasabi natin
kung pag-uusapan ang kasaysayan ng ating lalawigan na ang pinakamatandang
bayan ay siguradong Kalumpit sapagkat pinatunayan ito ni Fernando Malong
Balagtas sa kanyang Talasulatan bago ito mamatay noong ika-15 ng Marso,1569 sa
Bulakan na noong taong 1578 ay ginawang kauna-unahang Kabisera ng lalawigan
hanggang sa ilipat ito sa Malolos noong taong 1580.”
: Mula sa Koleksiyon-Pangkaalamang Pangkasaysayan ng yumaong G. Antonio Valeriano ng Munting Paraiso, Balubad, Bulakan, Bulakan kaugnay ng Tanong ng pagkatatag ng bayang Kalumpit, ganito ang nililinaw mula sa nasabing Koleksiyon.
“Itinatag ang bayang Kalumpit ng mga Misyonerong Agustino noong taong 1572 ayon sa dalawang aklat na sumusunod:
1. Font, Salvador./ Memoria Acercade Los Misiones de los P.P. Agustinos Calzados En Las Filipinas. Presentada Al Ministro De Ultramar en 1892.
2. Galang, Zoilo M. / Encyclopedia of the
Sang-ayon naman sa isang mananalaysay na kastila na si Cavada, taong 1570 ito natatag:
1. Cavada y Mendez de Vigo, Agustin dela. Historia, Geografica Y Estadistica de Filipinas. Tomo 11. 1876,
Ayon namn sa 3 akalt na sumusunod, ito ay natatag noong taong 1575
:
1. Buzeta, Fr. Manuel & Fr. felipe Bravo (Misineros Agustinos). Diccionario Geografico Estadistico, Historica de las Islas Filipinas (Tomo 1&11).
2.
3. Rodriguez, A. (?) Ereccion de los Publos de Bulacan. Leg. 31, No 2, 1810-1895 (siping xerox mula sa “Bureau of Records Management” ng National Archives,
3
Mapapansin na 3 sa mananalaysay ay para sa 1575, samantalang 2 ang para sa 1572 at isa ay 1570. Ang lahat ng ito ay tama, opisyal na naitatag ang Calumpit ng mga Misyonero Agustino noong 1575. Magkagaunman ang mga misyonero agustino ( mula sa baybayin ng Tondo Maynila 1570 )ay 3 taong nanahan muna sa mga barangay Meyto at Panducot ng Calumpit noong 1572. hanggang sa lumipat sila noong 1575 sa Poblacion, Calumpit.
At sa Aklat naman ni Jaime B. Veneracion na may pamagat na Kasaysayan ng Bulakan na nalimbag noong 1986 ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan, Kolonya, Alemanya, sa pahina 49 ay ganito ang kanyang sinabi na may pagbatay din naman sa “Blair and Robertson, The Philippines Islands”, vol. 5, p.87.
“Sa pag-unlad ng komersiyo mula noong ika-labintatlong dantaon, ang baybay
dagat at mga ilog ang naging sentro ng mga pamayanan. Ang mga look na
naaaayon sa pagdaong ng mga bangka ang pinagtitipunan ng mga nangangalakal
na galing sa ibang lugar …. Ang paligid ng ilog Pampanga na nakasentro sa
pamayanan ng Macabebe at Calumpit…. Ang mga pamayanan na nasa wawa ng
ilog Pampanga ( bonderi ng Calumpit,kasama ng Brgy Meyto at Panducot)
kasama na ang ilog (Calumnpit-Quingwa Plaridel) tungo sa Angat ay
pinagkukulumpunan ng mas maraming tao: .. Macabebe 2,6000; Calumpit, 3,000;
at Candaba,2,000 …masasabing tunay na malaki ang mga pamayanan sa
baybayin ng ilog Pampanga kasama na ang look Candaba. Hindi nakapagtataka
na ang mga kauna unahang mga bayan na ito ay itinatag ng mga kastila sa mga
lugar na ito.”
Ang mga iba pang kaalamang isasaysay ay matutunghayan sa aklat na ”Birheng Presentacion: Patrona at Parokya.There Must Be One” na nalimbag noong 1997; minsan pa nating hayaan dumaloy sa ating kamalayan ang mga kaganapan bilang mahahalagang tala ng ating kasaysayan sa pasimula ng Kristiyanismo sa ating lalawigan Bulakan. Malaman din ng lahat na ang mga sanaysay na sumusunod ay mistulang kuwento ng mga apo sa tuhod ng mga sinaunang binyagan ng Brgy. Meyto at Panducot. Mga salaysay nila ito nang madistino ang may-akda sa Parokya
Si Papo Ineng Baluyot at Papo Elena
Ang kanilang mga naikuwento kaugnay ng pagdaong ng mga misyonero-agustino sa kanilang lugar noong 1572 ay maituturing na rin na “kuwentong bayan ng mga matatandang namamayan doon”.
4
No comments:
Post a Comment