Sunday, August 16, 2009

Para sa kanila si San Jose, na kabiyak ng puso ng kanilang Mahal na Birheng Presentacion, ay tanging makakaunawa ng kanilang naging kalagayan. Na si San Jose ang kanilang mabisang Tagapagtanggol at Tagapamagitan. Ang totoo, ganito ang napatangyag na dasal sa bawa’t puso ng mga taga Brgy. San Jose sa pagpapalaganap ng mga tapat na katolikong taga Panducot, ang panalangin nila kay San Jose ay ganito:

Sa Iyo po, maluwalhating San Jose ay nagsasakdal kami ng aming kapighatian at paghingi namin ng tulong sa Iyong kabanal-banalang Esposa ay idinadalangin din namin ang iyong saklolo taglay ang buong pananalig. Alang-alang sa dalisay na pag-ibig na ipinakisama mo sa kalinis-linisang Birhen Maria, Ina ng Diyos at sa pagsintang ama na niyakap mo sa Mahal na Sanggol na si Jesus ay isinasamo namin sa Iyo na may lubos na kapakumbabaan ng loob na lingapin mo na may mata mong maawain sa manang kinamtan ni Jesukristo ng Kanyang mahalagang dugo at ampunin mo ang aming mga kailangan ng iyong tulong at kapangyarihan. O lubhang maingat na tagapagtangkilik sa mag-inang si Jesus. Ampunin mo ang hirap na lipi ni Jesukristo. O mapagmahal na ama , ilayo mo sa amin ang tanang karungisan ng maling aral at masamang ugali. O makapangyariahang tagapag-ampon, maawa ka sa amin at tulungan mo pong buhat sa langit sa aming pagbabakang ito laban sa mga makapangyarihang kadiliman, ipagtanggol mo ngayon ang Santa Iglesiya ng Diyos sa mga silo ng kaaway at sa dilang hilahil gaya ng pagliligtas mo nang unang araw sa mahal na Sanggol na si Jesus sa panganib na kinalalagyan ng Kanyang buhay at kupkupin mo ama kaming lahat ng lagi mong saklolo, upang sa panamagitan ng iyong pag-aampon ay matuto rin kaming mabuhay sa kabanalan at makamtan namin ang kapalarang walang hanggan sa langit. Siya Nawa.

SAN JOSE , TAGAKALINGA AT TANGAPAGTANGGOL NG SIMBAHAN

Noong taong 1952, ang dekleradong Bisita na maging Parokya ng Mahal na Poong San Jose, ang Manggagawa ay sinimulang palakihin. Dito naganap ang isang himala na tanging mga mga deboto ni San Jose, ni Maria sa kanyang taguri na Birheng Presentacion, gayundin ang may diwa ng kasaysayan, ang makakaunawa.

Ika nga’y maging ang mga bato at patibayan ay nagsimulang mag-awitan sa kagalakan at pagbubunyi !!! sa kadahilanan -- huhukayin at ililipat ang mga Batong Pundsiyon natira at nakabaon sa nasunog na Kapilya ng Birheng Presentacion sa Panducot upang maging Patibayan at Pundasiyon ng Simbahang Parokya ni San Jose!!!

15

No comments:

Post a Comment