Sunday, August 16, 2009

ANG NAPAKAHALAGANG PANGYAYARI NOONG 1962

( 50 Taong Anibersaryo ngPagkatatag ng Diyosesis ng Malolos sa 2012) ,

NA BAHAGI NG KASAYSAYAN NA NAKAUGAT SA PASIMULA NG KRISTIYANISMO SA ATING LALAWIGAN MULA NOONG TAONG 1572

“Ang mga misyonerong Agustino na nagmula sa Maynila ay naglayag hanggang makarating sa bayan ng Calumpit noong 1572 sa ilog ng Meyto kung saan unang itinanim ang Krus ng mga Misyonero na sinasagisag ng pusong may sibat (simbulo ni San Agustin) at ng bangkang maydala-dalang Krus.

Mula sa Calumpit ang pananampalatayang Kristiyano ay unti-unting yumabong hanggan sa maitanim ang Krus sa Canalate sa bayan ng Malolos noong 1580 sa pamumuno ni Fray Diego Ordonez de Vivar.”

Ang dalawang talatang salaysay na ito na nasa itaas ay mula sa Aklat-Katesismo Para Sa Pagdiriwang Ng Dakilang Jubileo ng Diyosesis ng Malolos kaugnay ng limang taon paghahanda sa Ginintuang 50 taong Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Diyosesis ng Malolos (1962-2012) Matutunhayan ito sa pahina ika-lima sa nasabing Aklat-Katesismo. Mababasa rin ang sanaysay na ito sa Liturgical Calendar, 2009 ng Diyosesis ng Malolos sa unang pahina nito.

Ika nga’y nabuklat ang pasimulang kasaysayan kaugnay ng pinaghahandaang Pagdiriwang: Na napakahalaga ng pasimula upang maunawaan ang mga mahahalagang bahagi o pangayayring namahgitan mula 1572 hanggang sa kasalukauyan at sa pinaghahandang Pagdiriwang sa 2012..

Sa Liturgical Calendar, 2009 ng Diyosesis ng Malolos na nalathala sa buwan ng Enero ganito ang sinasaysay:

Diocese of Malolos (Diocesis Malolosina) Suffragan of Manila. The Diocese of Malolos was created on November 25, 1961. It comprises the civil province of Bulacan and the City of Valenzuela in Metro Manila. Its titular patroness is the Immaculate Conception whose feast is celebrated on December 8. Of the whole population covered by the diocese, 85 percent of which are catholics.

On March 11, 1962, the Malolos Cathedral became the site of the formal installation of the first resident Bishop of Malolos. Most Rev. Manuel del Rosario, D.D. For Malolos , it was a new chapter in its already feeble history. It was the late Pope John XX111 who created the Diocese of Malolos as a suffragan of the Archdiocese of Manila. In the celebration , Bishop del Rosario was installed by Archbishop Salvatore Siino, the papal nuncio to the Philippines.”

1

Napakahalaga ng bahaging ito ng kasaysayan sa ating buhay-pananampalataya bilang isang Diyosesis na natatag nga noong taong 1962. Nararapat lamang na ang limang taong paghahanda (2007-2011) sa dumarating na ika-50 anibersaryo nito ay umiral.(2012)

Kasiyasiya na sa paghahanda-pagdiriwang nito ay may Aklat ng Katesismo habang idinadalaw ang Krus ng Jubileo at imahen ng Inmaculada Concepcion sa bawat parokya at bayan ng ating lalawigan.

ANG MAHAL NA BIRHEN SA KANYANG PAGKA-INMACULADA CONCEPCION (ang opisyal na Patrona ng ating Diyosesis, sa pagkatatag ng Diyosesis ng Malolos noong 1962) AY TUNAY NA NATATANGI ( hindi lamang ito isang taguri sa maraming mga taguri ng paglalarawan sa kanya ng mga deboto) ANG KALOOBAN NG DIYOS ANG NAKAPANGYARI UPANG SIYA’Y IPAGLIHI NG WALANG BAHID -SALA. Ang kanyang pagka-inmaculada ang siyang naging simula ng kanyang pagiging natatangi at simula ng iba pa niyang mga taguri.

“Oh Ina naming Inmmaculada Concepcion, sa iyo pong taguri bilang Birhen ng Presentacion, tulungan mo kaming maging dalisay sa kailnisan ang aming buhay at mailay ito sa Nino Jesus. Oh Mahal na San Jose, ipamagitan mo pokami sa Kanila. Amen.”

Ang BIRHEN NG PRESENTACION sa kanyang taguri ay nararapat din maitanghal kaugnay ng patuloy niyang pamamatnubay sa ating lalawigan mula pa noong 1572. Sapagkat ang mahal na Ina sa kanyang taguring ito, Birheng Presentacion, ang unang ipinakilala ng mga agustino-misyonro noong taong 1572 sa mga lugar ng Meyto at Panducot,Calumpit.

Bilang pagsusog sa salaysay na naihayag na, narito ang tala mula sa pananaliksik nina Aloma Monte Delos Reyes na nalimbag sa “The Church of Calumpit in the Contemporary Times” (1575-1975) p.14

“When Agustinian friar, Father Ordonez arrived in Calumpit, as early as 1572,

his firs move was to build a chapel and a convent. These, he constructed firstly in

the barrio of Meyto, named Sta. Cruz Chapel after patron saint Santa Cruz. Fr.

Ordonez was inconvenienced by the viscious mosquito bites coming from Meyto’s

swamps tha the chapel originally built was later on transferred in the barrio of

Panducot, named “Mahal na Birhen Presentacion”. Obviously, Fr. Ordonez ‘s

choice of this second barrio had been unsatisfactory as well since like Neyto,

Panducot also breeds mosquitoes due to the presence of many brooks and swamps

in the place mostly stagnant at that time, which again precipitated the third transfer

of the Church from Meyto and Panducot, and finally in Poblacion, where the

official church of St. John the Baptist was formally founded in 1575.”

2

Sa panulat ni G. Alfredo M. German sa kanyang aklat na may pamagat na Bukawe: Noon, Ngayon at Bukas na nalimbag noong taong 1992 (Jeanmar Printing Press-Malolos, Bulacan) sa mga pahina 47-48,.ganito ang kanyang isinulat:

“Ang bayan ng Meykawayan ay itinatag ng pareng Pransiskano noong mga

taong 1578-1579 at ayon din sa mga tala ng kasaysayang nasaliksik ay pitong taon

lamang ang kaunahan ng Maynila sa pagkakatatag nito. Ito ay ayon sa ulat na

itinala ni Reb. P Luis L Lopez D.D. Subalit mas una pa rin dito na naitatag ang

Kristiyanismo sa bayan ng Kalumpit na itinatag ng mga paring Agustino noong taong

1572 at ito’y nasa ilalim ng Arsobispado ng Maynila. Marahil ay masasabi natin

kung pag-uusapan ang kasaysayan ng ating lalawigan na ang pinakamatandang

bayan ay siguradong Kalumpit sapagkat pinatunayan ito ni Fernando Malong

Balagtas sa kanyang Talasulatan bago ito mamatay noong ika-15 ng Marso,1569 sa

San Carlos Pangasinan… Ang kaalinsabay ng baying Meykawan ay ang Bulakan,

Bulakan na noong taong 1578 ay ginawang kauna-unahang Kabisera ng lalawigan

hanggang sa ilipat ito sa Malolos noong taong 1580.”

: Mula sa Koleksiyon-Pangkaalamang Pangkasaysayan ng yumaong G. Antonio Valeriano ng Munting Paraiso, Balubad, Bulakan, Bulakan kaugnay ng Tanong ng pagkatatag ng bayang Kalumpit, ganito ang nililinaw mula sa nasabing Koleksiyon.

“Itinatag ang bayang Kalumpit ng mga Misyonerong Agustino noong taong 1572 ayon sa dalawang aklat na sumusunod:

1. Font, Salvador./ Memoria Acercade Los Misiones de los P.P. Agustinos Calzados En Las Filipinas. Presentada Al Ministro De Ultramar en 1892. Madrid Imprenta de Don Aguado.

2. Galang, Zoilo M. / Encyclopedia of the Philippines. Vol. XV1 – History. Exequiel Floro, Maynila, c. 1957.

Sang-ayon naman sa isang mananalaysay na kastila na si Cavada, taong 1570 ito natatag:

1. Cavada y Mendez de Vigo, Agustin dela. Historia, Geografica Y Estadistica de Filipinas. Tomo 11. 1876, Manila: Ramirez y Giraudier, 1876.

Ayon namn sa 3 akalt na sumusunod, ito ay natatag noong taong 1575

:

1. Buzeta, Fr. Manuel & Fr. felipe Bravo (Misineros Agustinos). Diccionario Geografico Estadistico, Historica de las Islas Filipinas (Tomo 1&11). Madrid, 1850 (imp. J.. C. del Pena, 1851)

2. Medina, Fr. Juan de. Historia de Los Sucesos dela Orden de N. Gran P.s. Agustino de Estas Islas Filipinas. Manila, 1893 (sinulat noong taong 1630): Tomo unico.

3. Rodriguez, A. (?) Ereccion de los Publos de Bulacan. Leg. 31, No 2, 1810-1895 (siping xerox mula sa “Bureau of Records Management” ng National Archives, Manila).”

3

Mapapansin na 3 sa mananalaysay ay para sa 1575, samantalang 2 ang para sa 1572 at isa ay 1570. Ang lahat ng ito ay tama, opisyal na naitatag ang Calumpit ng mga Misyonero Agustino noong 1575. Magkagaunman ang mga misyonero agustino ( mula sa baybayin ng Tondo Maynila 1570 )ay 3 taong nanahan muna sa mga barangay Meyto at Panducot ng Calumpit noong 1572. hanggang sa lumipat sila noong 1575 sa Poblacion, Calumpit.

At sa Aklat naman ni Jaime B. Veneracion na may pamagat na Kasaysayan ng Bulakan na nalimbag noong 1986 ng Bahay Saliksikan ng Kasaysayan, Kolonya, Alemanya, sa pahina 49 ay ganito ang kanyang sinabi na may pagbatay din naman sa “Blair and Robertson, The Philippines Islands”, vol. 5, p.87.

“Sa pag-unlad ng komersiyo mula noong ika-labintatlong dantaon, ang baybay

dagat at mga ilog ang naging sentro ng mga pamayanan. Ang mga look na

naaaayon sa pagdaong ng mga bangka ang pinagtitipunan ng mga nangangalakal

na galing sa ibang lugar …. Ang paligid ng ilog Pampanga na nakasentro sa

pamayanan ng Macabebe at Calumpit…. Ang mga pamayanan na nasa wawa ng

ilog Pampanga ( bonderi ng Calumpit,kasama ng Brgy Meyto at Panducot)

kasama na ang ilog (Calumnpit-Quingwa Plaridel) tungo sa Angat ay

pinagkukulumpunan ng mas maraming tao: .. Macabebe 2,6000; Calumpit, 3,000;

at Candaba,2,000 …masasabing tunay na malaki ang mga pamayanan sa

baybayin ng ilog Pampanga kasama na ang look Candaba. Hindi nakapagtataka

na ang mga kauna unahang mga bayan na ito ay itinatag ng mga kastila sa mga

lugar na ito.”

Ang mga iba pang kaalamang isasaysay ay matutunghayan sa aklat na ”Birheng Presentacion: Patrona at Parokya.There Must Be One” na nalimbag noong 1997; minsan pa nating hayaan dumaloy sa ating kamalayan ang mga kaganapan bilang mahahalagang tala ng ating kasaysayan sa pasimula ng Kristiyanismo sa ating lalawigan Bulakan. Malaman din ng lahat na ang mga sanaysay na sumusunod ay mistulang kuwento ng mga apo sa tuhod ng mga sinaunang binyagan ng Brgy. Meyto at Panducot. Mga salaysay nila ito nang madistino ang may-akda sa Parokya San Jose, Calumpit sa loob ng 7 taon.(1982-1989).

Si Papo Ineng Baluyot at Papo Elena Santiago ay magpisan-buo,. Ang ama ni Ineng (na Fortunato Baluyot) ay kapatid ng ina ni Elena. Si Ineng ay ipinanganak noong 1910, si Elena ay ipinanganak noong 1906, sila’y taal na taga Brgy. Panducot. Kapwa sila tumandang dalaga.

Ang kanilang mga naikuwento kaugnay ng pagdaong ng mga misyonero-agustino sa kanilang lugar noong 1572 ay maituturing na rin na “kuwentong bayan ng mga matatandang namamayan doon”.

4

“ANG BUKANG- LIWAYWAY NG KRISTIYANISMO SA BULAKAN

Noong dumaong sa Brgy. ng Meyto ang mga misyonero sa pangunguna ni Padre Diego Vivar Ordonez noong mga unang buwan ng taong 1572. Ibinantayog nila sa lugar na yaon ang Santa Krus. Ito ay simbolo ng kanilang misyon babalikatin sa Pagpapalaganap ng Kristiyanismo.

Sa diwa ng paghahandog at pagpapasalamat, ipinagdiwang nila ang unang Misa sa nasabing lugar. Ang lugar na yaon na pinaging banal ay siyang tinayuan ng kanilang pinakaunang Kapilya at Kumbento.

Sa gawaing pangangaral ng Mabuting Balita ng Kaligtasan, sa nagkakaisang pamumuhay ng mga misyonero bilang Munting Payanang nagdarasal at nagtutulungan, sila ay mistulang Liwanag sa mga katutubo at sa buong kapaligiran. Alinsabay ng pagtatayo ng Kapilya at Kumbento ay ang pagdami naman sa lugar na yaon ng mga binyagan.

Nang malaunan, sa ano pa mang dahilan, nakapangyari na ang unang Kapilya at Kumbento ay inilipat nila sa Panducot, kasunod na baryo ng Meyto noong mga huling buwan ng 1572. Muling itinayo nila ito mula sa mga hinakot na bato ay kahoy na galing sa Meyto.

Unawaan at pagkakaisa ang namagitan sa mga taga Meyto at Panducot. Ito ay bunga ng malaking biyaya at pagpapala na hatid ng mga Misyonero sa mga gawaing pagsamba, paghubog at paglilingkod sa kanila. Na kung nalipat man ito sa Panducot, damang-dama pa rin ng mga taga-Meyto ang presensiya ng mga Misyonero. Sa katahimikan ng paligid, abot dinig pa rin nila ang awiting pagsamba sa umaga, sa takipsilim at sa gabi ng mga misyonero. Maging ang mga tunog ng kampana ay patunay na sila ay hindi iniwanan ng mga misyonero at dama nila na ang Diyos ay kapiling nila.

Sa muling pagtatayo at sa bagong kalalagayang yaon, tumimo sa puso at diwa ng mga sinaunang binyagan ng Meyto at Panducot na ang bagong pasimulang ito sa Panducot ay bubukalan ng tuloy-tuloy na pagpapalaganap ng Aral Kristiyano sa buong lalawigan. Na sa abot tanaw nila, ang Panducot ang magiging centro o Paroquia at Poblacion na dadaluyan ng maraming ugnayan sa hinaharap na panahon.

5

SINIKATANG UNANG DAMBANA AT LUGAR

NI BIRHENG PRESENTACION

Mahal na Birheng Presentacion ang itinalagang Patrona ng mga Misyonero Agustino sa Kapilya ng Panducot. Kung sa unang nilunsaran sa Meyto ay Santa Krus ang simbolong pananda nila, na nangangahulugan ng kanilang kahandaang magpakasakit hanggang kamatayan sa ikagaganap ng kanilang misyon. Sa Panducot naman ay imahen ng Mahal na Birheng Presentacion ang kanilang itinanghal upang lumagi sa kanilang puso at diwa ang banal na pangungusap ng Birheng Mahal na, “Narito ang alipin ng Panginoon maganap sa akin ang iyong Salita.” Na anuman ang kahinatnan ng kanilang buhay, tulad nang suungin nila ang mapanganib na paglalakbay; na lantad sa lahat ng unos at bagyo sa karagatan, tulad ni Maria, ang kanilang buhay ay ipinauubaya nila’t inihahandog sa kalooban ng Poong Maykapal. Na bagama’t may bahagyang sagi ng pag-aalinlangan, matibay ang kanilang pananalig na ang Diyos ang kanilang saligan at alam nilang hindi Niya sila pababayaan. Handog ng mga misyonero sa Diyos ang kanilang buong buhay.

Subalit tulad ng natala sa kasaysayan, ang centro ng pagpapalaganap ay nalipat sa lugar na ngayon nga ay Poblacion ng Calumpit ( may 8 kilometyro ang layo sa daang ilog mula sa Panducot) noong mga huling buwan ng 1575.

Tunay na kalumbayan at kalungkutan ang nanahan sa puso at isipan ng mga naiwanang unang binyagan ng Meyto at Panducot. Lalo pa nga’t naaalala nila ang mga magagandang halimbawa ng pagsasabuhay ng Aral-Kristiyano sa kanilang pamayanan sa loob ng tatlong taon. (1572-1575) .

Kung mayroon man nagbibigay buhay na gampanan pa nila ang pamumuhay kristiyano na sa kanila ay itinuro at iniaral, ito ay ang bantayog na kapilya at Kumbento at lalo’t higit, ang Patronang dito ay nakatanghal.

Ang Kapilya at Patronang Birheng Presentacion ay nanatiling nakatatag at nakatanghal sa dating lugar. Para sa mga taga Meyto at Panducot, ang Kapilya at Imahen nila ang pinakapuso ng kanilang dalawang pamayanan. Na ang Kapilya at Imahen ang kanilang kayamanan. Ito ang sentro ng kanilang buhay-panalangin, kagandahang asal at pagmamalasakitan. Para din sa mga nilisan, ito ay nagbigay sa kanila nang malawak na kaunawaan sa Misyon na dapat gampanan ng mga Misyonero at ng kanilang Birheng Presentacion sa buong lalawigan. Na, maiprisinta ng Birheng Presentacion ang buong lalawigan sa kanyang Anak na si Jesus; na madala niya ang kanyang Anak na si Jesus na siyang Bukal ng Kaligtasan sa buong lalawigan.

6

Ang paglipat na yaon ay pagpapatuloy lamang ng Misyon na sa kanila ay pinasimulan: Ang pagpapalaganap ng Kritiyanismo sa buong lalawigan ng Bulakan.” At nangyari nga na ang naging Patron ng Pobalacion, Calumpit ay si San Juan Bautista upang panimulang bigyang katuparan ang Misyon ni Birheng Presentacion na ang lahat lugar ay mimisyunan at ang lahat ng mamayan ay maging binyagan, upang maihanda at maihandog ang isang bayan banal sa Maykapal.

Sa pagdaraan nang panahon, sa tuluyang paglaganap ng Kristiyanismo sa buong lalawigan ng Bulakan, kaalinsabay nang pagdami ng mga binyagan sa lahat ng dako ay ang pagtatatag ng mga bagong Paroquia at Poblacion. Ganito ang pagkakasunod-sunod ng pagkakatatag: Bulakan, Bulakan taong 1578; / Hagonoy taong 1580; Malolos taong 1581; / Bigaa (Balagtas) taong 1596;Quingua (Plaridel) taong 1602; / Paombong taong 1619; Guiguinto taong 1641; / Angat taong 1683; San Miguel taong 1725; / Baliwag taong 1732;Pulilan taong 1749; / San Rafael taong 1850;Norzagaray taong 1857; / Bustos taong 1867; at San Ildefonso taong 1885

ANG MISYON NI BIRHENG PRESENTACION

Ang Misyon ng mga Misyonero-Agustino sa Pagtatatag ng Unang Apat na Bayan ng Lalawigan Bulakan mula 1572 hanggang 1580 sa Patnubay ng Birheng Presentacion!

Ayon sa tala ng kasaysayan, sa Brgy. Panducot (kasunod na Brgy.Meyto) itinayo ng mga Agustino-Misyonero ang Simbahan ng Birheng Presentacion noong taong din 1572…

Nanirahan sila doon ng halos tatlong taon, mula 1572-1575. Ang Simbahan ito ng Birheng Presentacion ay kanilang naging Pangunahing Himpilan sa Pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa mga karatig lugar, na nang malaunan ay napagkilala bilang mga bayan ng Calumpit, bayan ng Bulacan, bayan ng Hagonoy at bayan ng Malolos.

Ang mga Misyonerong Paring Agustino sa inspirasiyon at patnubay ng Birheng Presentacion ay nagtatag ng mga Simbahan, kasabay ng pagtuturo ng Relihiyon at pagmumulat batay sa mahahalagang katotohanan ng Pananampalataya.

1.. Ang Buhay-Kristiyano ay nagsisimula sa Muling Pagsilang sa “Tubig at sa Espiritu”, o SAKRAMENTO NG BINYAG (Jn. 3,5). Kaya’t itinatag nila noong ang Simbahan ni San Juan Bautista sa Kalumpit, noong taong 1575.

2. Na ang Muling Pagsilang o Binyag ay hindi nagwawakas sa kamatayan kundi sa Buhay na Walang Hanggan sa Langit. Kaya’t itinatag nila sa Bulacan, Bulacan ang Simbahan ng Pag- aakyat sa Langit sa Mahal na Birhen o Asuncion noong taong 1578.

7

3. Sa pagitan ng Binyag at ng Asuncion, binigyan-diin ng mga Misyonero Agustino ang kahalagahan at kabanalan ng Buhay-Kristiyano sa loob ng Tahanan o Pamilya. Kaya, itinatag nila noon ang Parokya ni Santa Ana sa Hagonoy, Bulakan noong 1580 bilang pagdakila sa Banal na Mag-Anak nina Maria, Ana at Joaquin (sina Santa Ana at San Joaquin ang Lola’t Lolo ni Jesus, si Mariang Birhen, ang ina ng Panginoong Jesus).

4. At itinatatag din nila ang Simbahan ng Inmaculada Concepcion sa Malolos noong 1580-1581 bilang pagtatangi sa Ina ng Diyos, si Maria na di nadungisan ng sala noong ipaglihi siya ni Santa Ana.

itaas-kaliwa/ Simbahan ng San Juan Bautista,

1575/ Calumpit / Itaas Kanan/ Simbahan ng Asumpta,

1578/ Bulacan, Bulacan.//ibaba-kaliwa/ Simbahan ng Sta.Ana,1580/ Hagonoy// ibaba-kanan/ Simbahan ng Inmaculada Concepcion,1580-1/ Malolos

8

ANG SIMBAHAN NG BIRHENG PRESENTACION

Ang Kapilya ng Birheng Presentacion sa Panducot at naging katangi-tangi sa pag-iral sa loob ng 341 taon , mula 1572 hanggang 1913. Nakilala ito ng mga biyahero na mga taga Bulakan, Bulakan, Malolos, Paombong, Hagonoy, Pulilan, Calumpit, Plaridel at mga Kapampangan. Alam ng mga deboto ang kaugnayan nila sa Birheng Presentacion, malaki ang pangungutang-loob nila sa Patronang ito kaugnay ng pagpapasimula ng kanilang buhay Kristiyano at paglaganap ng Pananampalatayang Katoliko sa buong lalawigan. Ang salaysay ni Papo Ineng Baluyot ay ganito:

“ Bakit nga hindi magiging balitang-balita, e kasabihan ito noon pa man: sa pagbibiyahe sa daan-ilog dumadaan muna sila kay Birheng Presentacion ng Panducot. Doon ay nagdadasal at naghahandog upang sa lakad ay magtagumpay at maging maayos ang paglalakbay."

At kung ang isang viajero ay nagkaroon ng aberya, ang panudyo sa kanya ay ganito:

“Aberya ay naranasan, pagkat di huminto , di na-alay at di umusal ng

ng dasal kay Presentacion, di tuloy nagkaroon ng pandesal sa paghahanap. buhay at ng matagumpay na pagklalakbay,” ang patulang dugtong pa ni Papo Ineng Baluyot.

Ang pagdaraan ng mga biyahero sa nasabing Kapilya ay gaya mismo sa ginawi ng mga Misyonero na sa pagpapalaganap nila ng Mabuting Balita sa mga kailogan o baybaying ilog, sila ay dumadaon muna, huimihinto, nagdarasal at nagtatalaga ng kanilang sarili sa Diyos sa tulong ni Birheng Presentacion. Doon din nila idinadaos ang kanilang tanghalian, merienda o kaya’y hapunan.

Tunay na ang salitang Panducot ay may kahulugan. Ang “Pan” ay nangangahulugan ng tinapay. Ito ay nangangahulugan din nang para sa lahat. Ang “ducot” ay may kagyat na kaunawaan sa tagalog-- na makukuha. Subalit ang malalim na kahulugan nito ay mula sa salitang “ducere” sa latin, “ay patungo sa”. Kaya kung ating bubuuin ang diwa ng pagpapakahulugan sa salitang Panducot, ganito ang kalalabasan: “Tumungo sa Birheng Presentacion, Tinapay ay makukuha para sa lahat”

.

Ang pinakamaganda ay ito: ang Banal na Misa ay kanilang ipinagdiriwang sa pagdaraan doon upang tumimo sa puso at diwa ng mga sinaunang binyagan ng Panducot at Meyto na ang Misa ay ang pinagmumulan ng pagkaing hinihingi sa araw-araw sa dasal na “Ama Namin”. Na ang banal na Misa ang simula at kaganapan ng buhay- paglalakbay. Na si Jeskristo ay ang simula at kaganapan ng buhay na ito. At Siya ang Tinapay na nagbibigay buhay. Ang Kanyang Ina na si Birheng Presentacion ay ang mabisang tagapamagitan sa Kanya, sapagkat siya ang Ina ng Buhay.

9

ANG KAPISTAHAN AT PAMAMATNUBAY

NG BIRHENG PRESENTACION

Nakasanayan ng mga mamayan ng Panducot na pamahalaan ang nasabing Paroquiang walang Paring nananahan. Magkagayunman, kaugnay nang taunang pag-aani ng mga palay mula sa kanilang malawak na bukirin na pag-aari ng Simbahan na may sukat 33,265 metro cuadrado,damang dama pa rin nila ang pangangasiwa at pamamatnubay sa kanila ng Kura ng kabayanang Kalumpit. Ang mga ani nito ay inihahatid nila sa Poblacion at kung misan naman ay kinukuha sa kanila ng mga taga kumbento sa utos ng Kura.

Matapos ang pag-aani kagyat na isinusunod ang taunang pagdiriwang pasasalamat sa karangalan ng mahal na Birheng Presentacion sa ika-21 ng Nobyembre. Ang bida ni Papo Elena Santiago ay ganito:

“ Talaga po namang napakasaya tulad ng isang Paroquia. Sa pagpipista’y mistulang Poblacion sa pagdiriwang. Ang mga mananampalataya, mga viajero, mga namamanata at deboto ni Birheng Presentacion ay mula pa sa iba’t ibang bayan at lugar. Ang pakikipista nila’y nakaugat, na ang pasimula ng kanilang pananampalataya ay t sa Birheng Presentacion nagsimula.”

SA KATANGHALIANG TAPAT

Sa kaganapan ng mga bagong pangyayari, sa pagdami pa ng mga sentro, mga Poblacion at Paroquia na naitatag at patuloy pang naitatag. Minsan pang sumagi sa puso at isipan ng mga taga Meyto at Panducot, ang lunggati ng kanilang mga ninuno at magulang noon pa man na ang kanilang lugar ay maging isang ganap nang Paroquia at may paring nananahan. Na kung hindi man nabigyan ng tuwirang katuluyan ang naantalang Parokya ng mahal na Birheng Presentacion noong taong 1572-1575, ito ngayon ay bigyan na ng kaganapan.

Kaya noong taong 1859 bilang nagkakaisang pamayanan, pumunta ang kanilang pamunuan sa Arsobispado ng Maynila, dala ang nasabing kahilingan. Sa labis na kaasahan at abot-tanaw na ang kanilang kahilingan ay pagbibigyan, isinabay nila sa pagluwas ang pagpapagawa ng isang Kampana na may tatak na ganito: “Paroquia de Nuestra Senora dela Presentacion 1860.”

“ Sa pagpapagawa ng Kampanang yaon ay tinularan lamang nina lolo ang dati nang kampanang luma na may ganoon din tatak na may mas matandang petsa,” ang salaysay ni Papo Elena.

Sa di nila inaasahan nabigo sila sa kanilang pinakay. Hindi naganap ang kanilang kahilingan. Pangunahing dahilan ay ang kakulangan ng pari. Sa kabiguang yaon, waring nagbalik sa kanilang alaala ang kalungkutan, panghihinayan at waring aping

10

Kalagayan na minsan nang naranasan ng kanilang pamayanan noong taong 1575. Nang basta inilapat na lamang ang centro mula sa kanila tungo sa Poblacion (Calumpit). Sa pananaw nila, sila ay hindi inuunawa ng Simbahan. At namuo sa kanilang isipan na sila ay tuluyan nang pinababayaan.

Kasabay ng makabagong kamulatan at pagsingaw ng Himagsikan na gumagapang sa lahat ng lugar, na halos kumalat na sa kamaynilaan at maging sa lalawigan ng Bulakan. Ang mga binyagan ng Meyto at Panducot ay minsan pang nagnilay. Kung paano nila tutugunan ang makabagong hamon ng panahon,kaugnay ng pananampalataya ng kanilang pamayanan. At ang naging tugon nila, ay pakikiisa sa mga paring katolikong Pilipino na may kaisipang makabayan. Mga paring humiwalay sa pananampalatayang ginagisnan. Na handang tumugon sa kanilang mga pangkaluluwang pangangailangan at handa silang samahan sa kanilang lugar. Nakita nila na ito na ang ginintuang pagkakataon upang magkaroon ng katuparan ang kay tagal nang inaasam ng kanilang pamayanan—ang sila ay maging isang ganap na Paroquia na may paring nanahanan. Na bagama’t ang nasabing pari ay isang aglipayano, “siya ay pari at pari pa rin na matuturingan.”

Nangyari man ang paghihiwalay, nanatiling tapat at kaugnay ang apat na pamilya sa pananampalatayang kinagisnan. Ang apat na pamilyang ito ay ang dalawang pamilya Baluyot, ng pamilya Santiago at ng pamilya Torres.

Ganito ang napatala mismo sa Aklat-Pangkasaysayan ng mga Aglipayano sa Panducot:

Ang Panducot at Meyto ay mga nayong unang tumugon sa tawag ng pagbabago sa isang malayang pananampalataya na para sa mga Pilipino lamang. Ang unang Misa ay ginanap sa nayon ng Panducot noong ika-15 ng Disyembre taong 1904. Ang pinagdausan ng Misa ay sa dating Simbahan ng Katoliko-Romano na ang Patrona ay ang mahal na Birhen Presentacion. Dahil sa pagsasarili ay kailangan humanap sila ng lupang matitirikan na sakop ng Panducot… nagkaroon ng pagkakaisa na matayo ang isang Bahay-Dalanginan sa ngalan ng Iglesiya Filipina Independiente.”

Para sa apat na pamilya na natitiling tapat sa daloy ng pananampalatayang lumaganap na galing sa mga Apostol, ang malaking hamon ng pananagutan ay nakalantad sa kanila:

Ang pangalagaan ang Kapilya ni Birheng Presentacion sa kabuuang kahulugan nito. Ang panatiliin ang pinakadiwa at layunin ng pag-iral nito sa lahat nang panahon maging sa kanilang kaapo-apuhan at sa lahat ng mga dayuhang namamanata dito. Ang manatiling tapat sila sa kinagisnang ugnayan ng Iisang Pananampalataya. Sa iisang Binyag sa ilalim ng pangangasiwa at kapangyarihang ng Santa Iglesiya (Isa, Banal, Naglilingkod at Para sa lahat). Tunay na sila ay mistulang bantay-tanod ng Bakurang Banal at ng Kapilya ni Birheng Presentacion.

11

Noong taong 1905 sa kabila na ang buong pamayanan ng Meyto at Panducot ay pawang mga aglipayano na; itinaguyod pa rin nila ang di kaylanmang napatid na taunang pagpipista. Kung matao man at dinadayo ang Kapilya nang ang pamayanan ay pawang mga katoliko pa. Ngayon ay lalo pang naging matao. Lalo pang dinayo at lalo pang naging masaya. Marahil nga ay sa diwa ng pag-ayuda ng mga taga ibang bayan at lugar sa iilang katoliko na doon ay nagpipista.

“Sa bawat taon na lumilipas at nagpipista ay talaga po namang nadaragdagan at tumitining ang saya.” Ang bida pa ni Papo Ineng.

Noong taong 1912, ipinagdiwang ng katoliko-Panducot sa pangunguna at patnubay ng Kura ng bayang kalumpit ang ika-340 taong pag-iral ng matanda at naluluma nang Kapilya. Ito ay sinabayan ng Aglipayano-Panducot sa kanila namang bagong tayong kapilya. Na bagama’t ang titulo ng bagong kapilya ay sa karangalan din ni Birheng Presentacion ay wala naman doon ang orihinal na Imahen ng Birhen ng Presentacion.

Isa sa mga natatanging kaganapan sa nasabing pagpipistang yaon ay ito: Na ang mga aglipayano, (sapagkat sinasabi nila na sila naman daw ay mga binyagang katoliko) ay di nakaiwas na sariwain at bakasin ang kanilang makasaysayang nakaraan sa kaugnayang sa milagrosa at nakagisnang Kapilya. Lalo na ang paghanga at ang pagpaparangal nila sa Imahen ng Birheng Presentacion na kanila rin daw Patrona. Sa madaling salita, nalagom ang buong pamayanan sa pagpipista sa dati nilang Kapilya, sa orihinal na Kapilya ng Birheng Presentacion. Sa pangyayaring ito, nagulimihanan nang gayun na lamang na may halong panibugho ang pamunuan ng bagong Bisita-Aglipayano sa Milagrosang Kapilya.

Noong sumunod na taong 1913 hindi man dapat ay iginiit ng masamang kapalaran ang kanyang papel sa kasaysayan ng buong pamayan ng Meyto at Panducot. Sapagkat sa taon yaon 1913 ay nakuha at napasakamay ng pamunuang aglipayano ang imaheng ng Birheng Presentacion. Ito ay itinanghal nila sa kanilang bagong kapilya. At sa taon ding iyon, ante bisperas ng Pista, Nobyembre 19, 1913 ng matandang kapilya, nangyari ang di maubos-maisip na magaganap. Ang Kapilya na naitatag noong 1572 ay sinunog!!! Ganito ang salaysay ni Papo Elena:

“ may isip na ako noon, ante bisperas noon, ika-19 ng Nobyembre, taong 1913, alas 3;00 ng umaga. Kitang-kita ko ang pagliliyab ng Kapilya. Naku po!!! Ina ko po! Ang sunod-sunod kong sigaw na di ko namamalayan. Langitngitan ang bubong na pawid nito, pati na ang mga dingding ay nilalamon ng nag-aalimpuyong apoy at nasaksihan ko kung paano dahan-dahan na yumuyuko sa pagkakasunog ang ga-taong imahen ng Santo Kristo na nakasentro sa altar; kung paano siya lumagapak, dapang-dapa sa pagbagsak… buti na lamang ang imahen ni Birheng Presentacion ay kinuha muna nila, bago nangyari ang sunog.”

“ Eh, kung naroon ang Birhen, hindi iyon masusunog, kaya nga kinuha muna nila.” Ang pahabol na sabi naman ni Papo Ineng.

12