Sunday, August 16, 2009

Ika nga’y umaalingawngaw mula sa kalangitan ang nasa at kagustuhan ng Mahal na Poong San Jose, na ang mga labi, mga pundasiyong bato na kay banal ng kauna-unahan Kapilya at Kumbento sa Panducot ay isaalang-alang at bigyan katuluyan sa buhay at kasaysayan ng Parokya San Jose.

Tunay at saksi ang mga mananampalataya na noong taong 1952, makalipas ang may 39 na taon, (mula nang ang Kapilya ay masunog taong 1913 at makalipas ang 380 na taon mula ng ito ay naitatag noong taong 1572) ang mga Pundasiyon labi ng Kapilya at Kumbento sa lalawigan ng Bulakan sa Diyosesis ng Malolos ay naging Pundasiyon at Patibayan ng Simbahang Pamparokya ni San Jose, ang Manggagawa.

Panahon noon ni Fr. Edilberto Cruz na unang pari na dito ay nadistino nang hinakot na nga namin ang mga batong kaylalaki na pundasiyon nga raw ng pinakamatandang bisita sa lalawigan ay “Casco” sa ilog ang aming ginagamit, ang dami ng mga batong iyon na nakalabing-dalawa yata kaming balik-balik, e,” ang patunay ng Driver noon, na si G. Nicolas Roque na ngayon ay Kapitan de Brgy. San Jose, 1989.

Sa makahimalang pangyayaring ito, patuloy ang pag-iral ng nasabing kauna-unahan Kapilya at Kumbento sa makasaysayan at makahimalang pagkakatatag ng Simbahang Parokya ng San Jose, ang Manggawa (San Jose, Calumpit, Bulacan). Magkagun man ang nanatiling hamon sa Parokya San Jose ay ito: na ang pinasimulang Misyon noong taong 1572 ng Mahal na Birheng Presentacion ay magkaroon nang higit na katuparan hindi lamang sa kanyang nilunsaran kundi gayun din naman sa buong Lalawigan; ang mapagtining ang pag-aalay ng ating mga sarili sa Diyos sa mabisang pamamagitan ng Birheng Presentacion .

Sa mga ikinuwentong ito nina Papo Ineng at Nana Elena, bahagi nito ay matutunghayan din po sa tala mula sa pananaliksik nina Aloma Monte Delos Reyes na nalimbag sa “The Church of Calumpit in the Contemporary Times” (1575-1975) p.15.

Isa pa pong layunin ng panulat na ito ay ang palutangin ang ginampanan ng Mahal na Poong San Jose, ng Parokya ni San Jose ng Calumpit sa pagkalinga sa mga kristiyanong katolikong taga-Meyto at Panducot sa kasagsagan ng paglaganap ng Aglipayano 1904-1913 sa kanilang lugar. Nakapangyari sa kanilang buhay pananampalaya ang pagtatanggol sa sa kanila ni San Jose. At laging pamamatnubay Niya sa kabuuan sa Inang Simbahan n gating lalawigan.

16

No comments:

Post a Comment