Sunday, August 16, 2009

Ang Birheng Presentacion sa Bulacan Capitol Building.

Pinagtibay ng Sangguniang Panglalawigan sa Resolusiyon Blg. 16, ang paglalagak ng isang imahen ng Birheng Presentacion noong ika-30 ng Enero, 1996 sa pangunahing bulwagan ng Kapitolyo (sa Gen. Isidoro D. Torres’ Hall) ng lalawigang Bulacan. Ang Pagkakatalaga sa nasabing imahen ay suportado ng mga batayan o “data” ng Pangkasaysayan na idinulog ng “Kapatiran ng Birheng Presentacion” sa Sangguniang Panglalawigan noon.

Taon-taun, mula pa noong taong 2000, tuwing Bisperas, Ika-1 ng Pebrero, sinusundo ng mga deboto at mananampalataya ng Parokya ng Birheng Presentacion ang imahen sa Bulacan Capitol Building palakad-papunta sa Parokya ng Birheng Presentacion-Maunlad, Mojon, Lungsod ng Malolos upang ika nga’y, ang diwa ng pagbubunyi ng buong mamamayang kristiyano ng lalawigan ng Bulacan ay mailarawan sa ganitong paraan, ang pagpaparangal sa sa Birhen ng Bulacan, ang Birheng Presentacion, sa kanyang Kapistahan, sa araw ng bukas, ika-2 ng Pebrero.

. 20

No comments:

Post a Comment